May-ari ng Malabon Zoo, nanghihingi ng donasyon

Ang may-ari ng Malabon Zoo ay nanghihingi na ng donasyon upang mapakain ang mga resident animals nito, at upang matulungan ang establisyimento magpatuloy sa kabila ng pagsasara dulot na rin ng restriksyon na dala ng pandemya.

Sa isang sulat na ipinadala sa The STAR, ang Malabon Zoo, Aquarium at Botanical Garden fouder na si Manny Tangco ay nagsulat ng, “We come knocking at your kind heart, if you have the extra funds, to donate to the Malabon Zoo Foundation for the food of the zoo animals.”

Ang pagsasara ng zoo ay nagpatunay na nangangailangan na talaga ang zoo ng pagkukunan ng pera.

Nabanggit na rin ni Tangco sa mga naunang interbyu na simula ng nag-shutdown sa operasyon ang kanilang zoo ay nagsimula na siyang gumastos ng kanyang ipon at nanghihiram ng pera mula sa mga kamag-anak upang mapanatiling napapakain ng maayos ang mga residente ng zoo, at ngayon inabutan na siya na nanghihingi na ng mga donasyon.

Ang zoo ay tumatanggap ng cash donations kumpara sa in-kind dahil sa virus.

Ang mga donasyon ay maaaring ipadala sa checking account ng Malabon Zoo Foundation sa Bank of the Philippine Islands (BPI) account nito, na may numerong 4641-0003-31.

Umaasa si Tangco na sa susunod na taon ay mahinto na ang Covid-19 pandemic at nang mabuksan ang zoo sa mga bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *