Matapos masuspinde ang 2020 Palarong Pambansa, kinukunsidera ng DepEd na isagawa ito online.
Tinitingnan ng Department of Education na isagawa ang Palarong Pambansa online, matapos ang pagsususpinde dito noong nakaraang taon.
Ani ni Director Joel Erestain noong Martes na pinagaaralan nila kung anong mga laro ang maaaring isagawa online dahil aminado naman daw na ang virtual na Palaro ay limitado lamang ang sakop.
Sa isang panayam sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, nagwika si Erestain na, “We’re looking at, and we’re hoping, and right now we’re planning to hold vitual Palarong Pambansa.”
Idinagdag nila na mga secondary school students lamang ang makakasali dahil na rin sa COVID-19 na mga restriksyon. Nakikinita nilang mga 15-18 years old lamang ang makakasali. Ngunit inuuna pa rin nila ang kaligtasan ng mga estudyante.