Matapos mapatunayan ang panalo ni VP Robredo laban kay Marcos, tatakbo ang huli sa 2022 halalan!
Matapos lumabas ang katotohanang nanalo nga si Vice President Leni Robredo noong Halalan 2016, inanunsyo ng panig ni Bongbong Marcos na tatakbo ito sa paparating na Halalan 2022. Wala pang nabanggit kung anong posisyon ang inaasam nito.
Ayon naman sa abogado ni Marcos, kinukumpirma nila kung ang ibinasurang protesta ba nila ay ang buong electoral protest o ang manual recount lang ng mga boto.
Ang inilabas naman ng korteng Public Information Office ay nag-klaro nang ang buong protesta ang idinismiss nila.
Ang isinagawang recount sa mga probinsya ng Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental ay nagpakitang ang lead ni Robredo kay Marcos ay tumaas sa 15,000 na boto.
Iginiit ni Vic Rodriguez, ang abogado ni Marcos, “Whatever the decision is, we are not fazed by it. We made a strong case that massive fraud happened in the vice presidential race, and that the vice presidency was stolen from the real winner.”