Matapos manghingi ng dagdag na reviews para sa Sinovac vaccines si Robredo, inatake ulit ito ni Duterte
Ang pinakahuling rant ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakatuon sa pag-aatake sa mga pahayag at hinihingi ni Vice President Leni Robredo ukol sa mga dumating na bakuna galing China.
Ani ng huli, na ang Sinovac vaccines ay dapat sumailalim sa tamang proseso upang masiguro na ang kalusugan ng mga Health Workers ng bansa ay naproprotektahan. Idiniin din niya na ito’y walang rekomendasyon galing sa Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ikinagalit ito ng Pangulo at nagdulot ng ilang minuto ng maaanghang na pahayag na nakadirekta kay Robredo.
Ani niya, “Ganito nalang, sabihin ko sa’yo uli kung marunong kang making: walang bakuna ngayon available either hingiin mo, nakawin mo, o bayaran mo. Not only the Philippines, worldwide situation ng vaccines hirap din sila.”
Idinagdag pa nito na gusto lamang ni Robredo magmukhang ‘relevant’ sa mga concerns para sa Health workers at ibang Frontliners na ginagawa na naman daw niya.
Ito ang pahayag ng Pangulo, “’Yan ang mahirap sa’yo eh, you want to be relevant. And you know sometimes you make an idiotic stance, ‘yong mga gano’n na ‘they deserve the best.’ Anak ka ng- bakit ako. I would give them the worst? Mamatay ka na, hindi ko iwanan ‘yong mga frontliner, and you do not need really to be redundant about it.”