Matapos maatake ang ahensya para sa pagred-tag ng mga organizers, dinepensahan sila ni General Parlade

Bobo umano ang mga Senador na gustong ma-defund ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung sila naman ang nag-apruba ng budget nito.
Ito ang opinyon ni NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa mga intrigang kinasasangkutan ng ahensya matapos ang aktibong partisipasyon nila sa pangrered-tag ng mga organizers ng community pantries.
Ang Facebook page ng naturang ahensya ay nag-share ng mga posts na nagpapabulaang ang mga organizers nga ay may koneksyon sa komunistang mga rebelde.
Bilang tugon dito, nagsabi si Sen. Richard Gordon ng, “General Parlade and company should stop bothering all these people.
I think he should go back to the military instead of concentrating on harassing our people with red-tagging accusations.”
Dinepensahan naman ni Parlade ang ahensya nila at nagsabing ginagawa lang ang kanilang trabaho at tiningnan ang backgrounds ng mga organizers, lalo na’t nakatanggap sila ng ulat na ilan sa mga ito ay nagpapakalat ng antigovernment propaganda.
Inatake niya pa ang mga gustong magpadefund sa ahensya, “Do they want to remove the budget or did they not understand the law they signed? I’m telling you they are the ones who are stupid if they want to take back the funds.
They signed off on that law to be of service, continue government programs for the poor, and then they’ll defund it?”
Sa kasalukuyan ang nangunguna lang sa mga makikitang gawain ng NTF-ELCAC ay ang pangrered-tag ng mga ito sa ilang mga personalidad sa buong bansa, at ang kalaunang kamatayan ng mga ito matapos ng kanilang mga anunsyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *