Matapos ang ilang buwang panawagan, patuloy lang ang dating implementadong registration process!

Matapos ang ilang ulit na panawagan ni Senator Grace Poe na itigil ang pag-implementa ng mandatory testing ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) ay nagpalabas na ng tugon ang Department of Transportation (DOTr) tungkol dito.

Ipinagutos na ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagsuspinde ng mandatory testing dahil na rin sa dami ng issues ng programa na itinuro ng transport groups, mga motorista, at mga miyembro ng Kongreso.

Matatandaang nagpahayag si Poe tungkol dito at nagsabing, “Sa panahon ng pandemya kung kailan bawat piso ay mahalaga, isang krimen ang pamemera gamit ang polisiya na hitik sa problema.

It’s really very punishing for our countrymen.”

Napasailalim sa pagsususi ng senado ang kawalan ng stakeholder consultation, kawalan ng transparency sa selection process sa inspection centers, kakulangan ng operational na pasilidad, at sa ‘overall incompatibility of PMVICs with LTO’s own IT system.’

Hangga’t hindi pa nareresolba ang isyu sa bagong programa, napapasailalim pa ang LTO sa direktibang ipagpatuloy ang dating registration process.

Ngayon ay makakapili pa rin ang mga motorista sa pagitan ng PMVIC o Private Emission Testing Centers (PETCs) para sa vehicle inspection.

Ipinaalala ni Poe sa DOTr na dapat ay ayusin nila ang mga kamalian at issues sa resolution at nagsabing, “Hindi pwedeng basta itago na lang sa ilalim ng basahan ang dumi at kalat ng programang ito sa simula pa lang.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *