Matapos ang C-130 plane crash, gustong damihan ang benefits at mismong funding ng AFP at ng mga miyembro nito!

Nitong Lunes nagpalabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang bigyan ng mas malaking financial benefits ang Armed Forces of the Philippines (AFP) habang ginugunita ang aksidenteng nangyari sa plane crash sa Sulu na kumitil sa buhay ng 49 military personnel, kasali na ang 3 sibilyan.

Aniya, “Bago ako maiwan, gusto ko maglagay ng malaking pera para sa Armed Forces of Philippines. ‘Yan ang mabawi ko sa sundalo ko lalo na ‘yung namatay.

I hope we finish this before I make my exit, malagyan kayo ng GSIS for your lahat ng retirement and everything and you have your own bank.”

Idinagdag niya na maproprotektahan ang mga pamilya ng mga sundalo’t ang edukasyon ng kanilang mga anak ay sigurado na.

Ang mga sundalong napuruhan sa aksidente ay makakatanggap ng medical treatment at financial support hanggang sa maka-recover sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *