Matagal nang pinagkakatiwalaan si Moreno dahil sa kanyang ipinapakitang pagmamalasakit para sa mga tao.

Ipinabatid ni Presidential aspirant at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga tao na sa kabila ng 47 taon nitong pamumuhay sa bansa, 23 taon na siyang nagseserbisyo sa publiko bilang isang lingkod bayan. Ipinarating niya na ang kalahati ng kanyang buhay ay inalay niya sa panunungkulan at pagserbisyo para sa mga tao.

Sa kanyang patuloy na pagserbisyo para sa bayan, nagsimula si Moreno na manilbihan bilang councilor ng Manila’s First District noong 1998. Kasunod naman rito ang pagiging vice mayor niya sa lungsod noong 2007 at 2013. Naging chairman of the board of the North Luzon Railways Corporation at undersecretary for Luzon Affairs at the Department of Social Welfare and Development under the Duterte administration rin si Moreno. Magmula 2019 naman hanggang sa kasalukuyan ay nahirang siya bilang Mayor ng Maynila.

Sa kanyang mahigit dalawang dekadang paninilbihan, nakuha ni Moreno ang tiwala ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit para sa kanila. Pinakikinggan niya ang bawat hinanaing st suliranin ng mga tao at agaran niya itong inaaksyunan at ginagawan ng solusyon. Naiintindihan niya ang kanilang kalagayan at paghihirap sapagkat dumaan na rin siya sa mahirap na pamumuhay.

Ang mga karanasan at kaalaman na nakuha ni Moreno sa mahigit dalawang dekada niyang panunungkulan ang naghulma sa kanya upang maging isang mahusay at mabuti na pinuno. Ninanais niyang ipagpatuloy pa ang kanyang pagserbisyo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang programa at proyekto na makakapagpaunlad sa bansa. Buong-buo ang kanyang loob na suportahan at tulungan ang bawat mamamayanan na makaahon at umunlad ang kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *