“Matagal nang nag-lockdown pero wala pa ring guidelines kahit na dati nang nagpa-iral ng iba’t-ibang restrictions!”

Pinupuna ni Senator Grace Poe ang pabago-bagong community quarantine identification ng IATF para sa ilang piling lugar na tinutukoy niya ngayong nagdadala lamang ng kaguluhan, pagkalito, at pagkadismaya sa mga apektadong residente at mga negosyo.

Patutsada niya pa, “Being under one of the world’s longest lockdowns, our people expect the government to already have guidelines in pplace as it had been enforcing community quarantine restrictions in the past.”

Iginigiit niya na ang ‘decisiveness at consistency’ sa mga polisiya ay ideal sa pandemya at upang makasalba ng mga buhay.

Matatandaang ang Metro Manila ay ilalagay sana sa isang General Community Quarantine (GCQ) matapos ang mas striktong quarantine sana sa kanila at maglalagay lang ng granular lockdowns sa mga pook na may mataas na antas ng COVID-19 cases.

Ngunit ito’y binawi rin ilang araw bago ang implementasyon sana ng GCQ at ginawang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ikinadismaya ng mga negosyong naghanda na sana at sa ilang local government units.

Pero nitong September 4 din ay nag-anunsyo ang AITF mismo na ang Metro Manila ay isasailalim sa mas maluwag na GCQ status sa September 8, na binawi rin nila’t nagpahayag na ang MECQ ay extended hanggang September 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *