Mass procurement ng COVID-19 vaccine, pinagtitibay at masusing susundin para sa Pilipinas!

Nagagalak na ibinalita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na makakaasa ng mas magandang Pasko ang mga Filipino dahil sa plano ng gobyernong bumili ng at least 150 million doses ng COVID-19 vaccine para maka-achieve ng herd immunity.

Nagbigay ng assurance si Nograles sa webinar ng “Vaccine Politics: The Misleading Info and Half Truths” ng University of Southeastern Philippines sa Davao City.

Ang mga bakuna rin daw ay maide-deliver sa bansa sa mga paparating na buwan.

Nitong Biyernes lang, iniulat na ng National Task Force against COVID-19 na mayroon nang total ng 14, 205,870 na vaccine doses na dumating sa bansa’t ginagamit pag-inoculate sa priority sectors.

Ipinaalam ni Nograles na 7M doses na ang na-administer sa A1-A4 priorities. Aling dito, 5M ang nakatanggap na ng kanilang first dose at 2M ang nabakunahan na ng kumpleto.

Nanghikayat pa si Nograles na magpa-bakuna ang publiko dahil kung hindi, nanganganib silang makuha ang virus at maka-infect sa iba.

Idinagdag niya na ‘paramount goal’ ng gobyernong makapag-achive ng ‘mass immunization for population protection’ na nangangahulugang kailangang mabakunahan ang at least 70% ng populasyon ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *