Mas pinili nitong sa isang barrio magtrabaho at hindi tinanggap ang offer sa ibang bansa

Mas pinili ni Dr. Tipoy Villarino, isang topnotcher ng 2019 Physician Licensure exam, na pagsilbihan ang mga mahihirap ng Godod na kanyang pinanggalingan sa Zamboanga del Norte kumpara sa tanggapin ang mga alok sa kanyang magtrabaho sa ibang bansa.

Nangako naman pala sa sarili si Villarino na paglilingkuran ang pinaglakhan na umano’y hindi napagtutuunan ng sapat na medikal na atensyon.

Nag-top 9 siya at mayroong grade na 87.42% sa March 2019 licensure exam.

Ang Godod ay kasalukuyang mayroong 18,000 na populasyon, at si Dr. Tipoy ang nag-iisang municipal doctor dito.

Ani ni Dr. Tipoy, “Gusto kong maging part ng solution, kasi napakadaming problema ng ating bansa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *