Mas napanatag na ang si Gerald Anderson sa kanilang relasyon matapos i-out ang kanilang sarili sa publiko.

Walang kaba at bigat na loob ngayon ang nararamdaman ni Gerald Anderson ukol sa relasyon nila ni Julia Baretto.

“Personally, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko nang gawin for peace of mind. Nabunutan ako ng tinik,” pahayag ni Anderson.

Nitong Easter Sunday, ay ibinandera ng hunk actor ang sweet moments nila ng jowang si Julia kasama ang couple na si Hayden at Dr. Belo.

Inamin din ni Anderson na mas panatag na ang kanyang loob sa ngayon dahil wala na siyang dapat itago sa publiko patungkol sa pagmamahalan nila ni Julia.

Leave a Reply

Your email address will not be published.