“Mas maraming doses dahil factored in na ang risk classification nila in terms of COVID-19 cases!”
Ang mga lugar na nasasailalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ay prioritized na sa COVID-19 vaccination drive ng bansa, ayon na rin sa anunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Sa isang panayam kasama ang Teleradyo nagsabi itong, “’Yong mga naka-MECQ ay magkakaroon ng mas maraming doses ng bakuna dahil ipa-factor in na rin natin ‘yong risk classification nila dahil ito ang mga area na mataas ang bilang ng COVID.”
Si Nograles ay co-chairman ng pandemic task force ng gobyerno at ginawa niya ang anunsyong ito matapos mag-authorize si Pangulong Duterte ng deployment ng mas maraming bakuna sa mga lugar na mayroong malalang surge na nararanasan.
Nauna nang ipinuna ng Department of Health (DOH) na ang Visayas at Mindanao ay nagpapakita ng “faster increase” ng bilang ng bagong COVID-19 cases.
Sa ngayon mayroon nang na-administer na total of 6.9M doses ng bakuna, at 1.8M na katao’y fully vaccinated na.