Mas maigting na proteksyon para sa kanilang karapatan at kinabukasan, isinusulong na.

Kinilala ng chairperson ng Senate Women and Children committee na si Risa Hontiveros na, “The Philippines is one of the global hotspots of child sexual abuse and exploitation committed on online platforms.”

Kaya bilang panlaban dito, nag-sponsor siya sa SBN 2209, o ang proposed Special Protections against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC), na sa ngayon ay isasabak na sa plenary deliberations.

Iginiit ni Hontiveros na ang pagpapatigil ng OSAEC ay urgent at dapat nang maaksyunan ng bansa. Dinala nito sa usapan ang kaso ng Australian na si Peter Scully na nahuli at convicted ng human trafficking matapos itong mag-sexual abuse sa mga menor-de-edad, na vinideo-han pa niya at ibinenta sa mga kliyenteng taga ibang bansa.

Idinagdag ni Hontiveros dito, “Ang kanyang pinaka-notorious na video sa kanyang pay-per-view site ay ang ‘Daisy’s Destruction’ na nagbibida sa panggagahasa at pananakit sa isang 18-month-old na batang babae.”

Nilathala din niya ang findings ng UNICEF na ang Pilipinas daw ay napapabilang sa top 10 countries na naglalabas ng child sexual abuse at exploitation materials noong 2016. Bilang pagdidiin dito, ani niya, “The youngest recorded Filipino victim of OSAEC was a 2-month-old baby.”

Pinuna niya rin ang pagdami ng kaso ng OSAEC ngayong nasa isang pandemya ang bansa. Ayon sa datos ng Department of Justice, tumaas ito ng 264.6% nitong Marso pa-May 2020.

Nagpahayag rin si Hontiveros na ang kanyang opisina’y mayroong iginagawang bilateral meetings sa Facebook ar Google dahil gusto nilang ma-address ang OSAEC kaya kailangan talagang makipag-ugnayan sa internet intermediaries at social media networks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *