Markus Paterson, nagpaliwanag bakit naghintay pa sila bago isapubliko ang kanilang anak ni Janella

Ibinahagi ni Markus Paterson ang kaligayahan niya ngayong ipinakilala na niya at ng kanyang girlfriend, si Janella Salvador, ang kanilang anak na si Jude sa publiko.

Ani kay Paterson, ang kanilang desisyon na ibahagi na si baby Jude sa publiko ang pinakamagandang simula nila sa bagong taon.

Ayon pa sa kanya, “I know it’s such a beautiful way to start the year for me and for everybody else and we thought na 2021, fresh page na parang let’s just leave everything out there.”

Diumano, kaunti lang ang nakakaalam sa pagbubuntis ni Janella. Sabi pa niya, “Basta super small circle lang… finally it’s such a huge weight off our shoulders na parang, my goodness.”

Nagpasalamat din si Paterson ng sa lahat ng positibong reaksyong nakuha nila matapos ibahagi ang video tungkol sa kanilang anak.

Noong Martes ng gabi binulgar ni Salvador at Paterson ang kanilang pagiging mga magulang. Nagkumpirma rin ito sa spekulasyon sa likod ng kanilang biglaang pag-alis sa showbiz.

Si Jude ay pinanganak sa tanghali ng October 20, 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published.