Marjorie: “And special thank you Julia for helping me put Leon in a good school.”

Nag-post si Marjorie Barretto ng litrato kasama ang anak si Leon na nakatoga at suot-suot ang pitong medalya sa leeg.

Kasama nila ang iba pang anak ni Marjorie na sila Dani, Claudia, at Erich. Hindi nakapunta si Julia dahil nasa isang lock-in taping ito.

Ipinagmalaki ni Marjorie ang mga medalyang natanggap ni Leon, ngunit hindi nito nakalimutang pasalamatan si Julia na aniya’y tumulong pag-aralin ang kapatid sa magandang eskwelahan.

Ani sa mensaheng nakapaloob sa Instagram caption, “Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!

And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldn’t have done it all with out your help.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.