Maraming pamilya ang gumising na nilalamig dahil hindi umano’y makagamit ng heater.
Ilang milyong Texans ang nilalamig pa din nitong Miyerkules dahil nawalan ng kuryente pagkatapos dumaan ang isang winter storm. Tinatayang mga dawalang dosena o humigit na ang namatay dahil sa bagyo.
Sa report ng kooperatiba ng kuryente, na may hawak ng 90% ng Texas, 2.7 million households ang wala pang kuryente. Dagdag naman nila na 600,000 na pamamahay na ang nabalikan ng kuryente.
Aniya ng isang ginang, hindi daw nila nararanasan ang ganitong klaseng ginaw. Kanyang-kanyang ideya na raw paano maghanap ng paraan para malabanan ang lamig. Nakakadismaya daw dahil walang inpormasyon galing sa kooperatiba tungkol sa rolling blackouts.