“Mapipigilan ang pag-kalat ng mga kriminal sa ating mga kalsada kung mayroong disenteng trabaho at sahod ang lahat.”
Ipinarating ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang solusyon na pagbibigay ng trabaho sa mga Manileños upang mapanatili ang peace and order sa Maynila. Sa isang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Makati Business Club sa Times Plaza sa Ermita, Manila, hinikayat ni Moreno ang mga negosyante na unahin ang mga Manileños sa kanilang pagpili at pagtanggap ng mga bagong empleyado
“Isa sa mga hiling ko sana, kung pwede lang, at least 70% of your employees are from the City of Manila. This will be our formula to solve peace and order issues. We should create jobs.” Aniya ni Moreno.
Dagdag pa ni Moreno, ang pagbibigay ng mga disenteng trabaho at disenteng sahod para sa lahat ng tao ang isa sa mga makakapagpapigil sa pagkalat ng mga kriminal sa lungsod ng Maynila. Maisasaayos ang peace and order sa lugar kung kampante at kuntento ang mga tao sa kanilang pamumuhay.
Agad namang pinirmahan ni Moreno ang Executive Order No. 8 na may mandato na isagawa ang Business One-Stop Shop (BOSS) upang mapadali ang paggawa at pag-apply ng mga negosyo sa lungsod. Nais niyang makapagpalago pa ng maraming mga negosyo upang magkaroon ng mga bagong job opportunities para sa mga tao, lalo na sa mga residente ng Maynila.
Sinisiguro naman ni Moreno na hindi siya titigil na magsagawa ng mga plano at aksyon upang masolusyonan ang problema ng mga tao at matugunan ang kanilang pangangailangan. Nais niyang tulunangan ang bawat tao na makaahon at makaunlad sa kanilang pamumuhay.