Manila residents, hinikayat mag-sign up para sa libreng Covid-19 na bakuna.

COVID-19 Update – Ang gobyerno ng siyudad ng Manila ay gumawa ng website para sa pre-registration ng mga residenteng gustong makatanggap ng libreng Covid-19 na bakuna, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Ang website (manilacovid19vaccine.com) ay mayroong sign-up sheet, isang summary ng kaso ng Covid-19 sa siyudad, isang mapa para sa mga lugar na mayroon nang nabakunahan (ngayon ito’y walang laman), at isang database.

Ayon sa website, ang mga bakuna ay ibibigay sa dalawang doses, at magkakaroon ng apat na linggong gap.

Sabi ni Moreno na ang gobyerno ng Manila ay nasa isang usapan na sa US drug manufacturers Pfizer at Moderna upang makabili ng bakuna.

Idinagdag niya na ang mga medical frontliners at senior citizens ang nasa itaas ng lista ng makakatanggap ng libreng bakuna.

Maaalala nating nagpahayag na si Moreno na ang gobyerno ng Manila ay mayroon nang inilaang PHP 200M upang bumili ng mga bakuna, at naghahangad mag-kansela ng ibang mga proyekto upang mailaan ang pondo sa pagbibili ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *