Manila Peso Anibersaryo 2021: Marangal na Trabaho para sa bawat Manilenyo”

Ipinagdiriwang ng buong ka-Maynilaan at Isko Moreno Domagoso ang Manila PESO Anibersaryo 2021, kung saan itinala nila ang mga matagumpay na proyekto at programa ng Manila Public Employment Service Office sa kasagsagan ng pandemya.

Ang mga ito’y bahagi ng pakikibaka ng kanilang opisina upang mabigyang solusyon ang unemployment at sa pagbubukas ng job opportunities para sa mga residente ng kanilang syudad.

Sinusubukan ng kanilang administrasyon na maging innovative sa pag-adapt sa nagbabagong ekonomiya at pag-reporma ng dating pamamaraan sa employment upang masigurong walang ka-Manila nila ang mapag-iwanan.

Ilan lang sa mga programa nila ang mga sumusunod:

Tricycle Driver to Foodpanda Rider (Pandatoda)

  • Nakipag-kaisa ang City of Manila sa online food and delivery service company, FoodPanda Philippines upang mabigyan ng trabaho ang mga displaced trike drivers ng Manila.

E-Tricycle Driver to Frontliner Service

  • Ang mga driver ng e-tricycle s ay employed ng syudad upang mabigyan ng libreng transportation service ang mga medical frontliners ng syudad.

At marami pang grupo ng workers ang nabigyan nila ng trabaho, at patuloy na bibigyan dulot na rin ng kagustuhan nilang walang mapag-iwanang Manilenyo sa laban kontra ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *