Mamimigay ang PNP ng libreng face masks sa mga hindi kayang bumili nito
Inanunsyo ng bagong Philippine National Police chief na si Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang unang bisita sa Camp Vicente Lim ng Calamba City na ang mga lalabag sa mask ordinance ay hindi ikukulong ngunit ihohold lamang sa opisina ng PNP at iimbestigahan.
Maaari silang i-hold ng maximum 12 hours habang tinutukoy kung first offense ba nila ito o kung repeat offender sila. Habang isasagawa ito, ang mga walang mask ay bibigyan ng polisya ng kanilang masusuot na mask upang maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Kung makikitang repeat offenders sila ay bibigyan ng angkop na penalty at kung may outstanding warrant of arrest ay huhulihin at dadaan sa maayos na trial sa ilalim ng judicial authorities.