Maluha-luhang sinabi ni Loydi, “Excited to be back!”

Trending ngayon sa Twitter ang ginawang guesting ng batikang aktor na si John Lloyd Cruz sa event ng Shopee na idinaos sa Smart Araneta Coliseum at live pang napapanood ng publiko sa GMA-7.

Responsable si Willie Revillame sa unang show ng pagbabalik ng television ni John Lloyd at sa Kapuso Network pa.

Bilang host at producer ng event, nabigyan ni Willie ng magandang introduction at exposure si John Lloyd na mahahalatang naninibago pa sa pakiramdam ng pagiging nandiyan sa harap ng camera makalipas ang aabot sa apat na taong pag-hinto sa trabaho.

Sa event kinanta ni John Lloyd ang kanta ni Junior (1979) na “Yakap” na ikina-sentimental ng ilang mga tao sa event dahil bagay ito sa comeback ng aktor.

Nang matanong si John Lloyd ng, “Lloydie, anong nararamdaman mo?”

Sumagot ang aktor ng, “Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako. Excited to be back! Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.