“Malnutrisyon sa kabataan ay sigurado na kung magpapatuloy ito, kaya dapat paglabanan na ito’y matigil na kaagad!”

Pinagdiinan ni Senator Grace Poe sa IATF on Zero Hunger na palawigin ang ongoing efforts nito sa pagsisiguro na wala nang Pinoy ang magdurusa sa kasagsagan ng pagkagutom at malnutrition sa pandemya.

Iginigiit niya na nangangailangan ang bansa ng focused at community-based approach na pinangungunahan ng buong gobyerno.

Bilang child welfare advocate, naglabas ng pahayag si Poe kaugnay nito, “Hunger is a reality in this pandemic and children in poorer families are worse off. With the soaring prices of pork, chicken, and fish, malnutrition in children is a certainty unless we work now to stave it off.”

Sa isang pag-aaral naisalabas ng Woorld Bank na ang acute malnutrition sa mga kabataang Filipino ay nangyayari na at ang epekto nito sa mga murang katawan nila’y makikita sa paparating na mga taon.

Ipinaalala niya sa Task Force on Zero Hunger, “Kapakanan ng tao ang dapat laging pangunahing layunin ng pamahalaan, lalo na ang pagkalinga sa ating mga musmos para ‘di sila mapag-iwanan.”

Ang lockdown mula nakaraang taon, kasama na ng hindi epektibong distribusyon ng cash subsidies at ng kawalan ng tamang resources para sa pamumuhay ay nakakaapekto sa pinaka-vulnerable na populasyon ng bansa.

Pagpupuna pa ni Poe, “Amid the government vowing to keep the economy afloat and make it rebound, there hasn’t been enough attention on the impact of the pandemic on poor children and their nutrition.”

Bilang pagtatapos nagpaalala siya na, “Children in poor families need all the help we all can give. Attending to their nutrition and growth must be our collaborative commitment.”

Matatandaang si Poe ang nagsulat ng Masustansiyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *