Malaki ang pasasalamat ng mga taga Lakewood sa isinagawang proyekto ni Hontiveros na medical outreach para sa mga pasyente.

Tuluyang isinagawa nitong Oktubre 17 ang proyekto ni Ana Theresia “Risa” Hontiveros na medical outreach para sa mga residente ng Lakewood. Sa pamamagitan ng Healthy Pinas Mobile Clinic, naipamahagi sa 117 na pasyente ang mga serbisyong medikal tulad ng ecg, x-ray, ultrasound, blood chem, at consultation galing sa mga eksperto.

Sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong oras sa paglipat ng venue, naisakatuparan ang proyektong ito sa tulong at pagsisikap ng Team Polinar-Cuojotor. Maayos naman na isinagawa ang medical outreach sa pamamagitan ng pagsunod sa quarantine protocols at pagpapanatili ng social distancing sa mga tao.

Kapansin-pansin naman sa mga tao ang kanilang pagkagalak, lalong-lalo na sa mga residenteng walang access sa mga medikal na pangangailangan. Ibinuhos ng mga taga Lakewood ang kanilang pasasalamat kay Hontiveros sa kanyang malasakit sa mga taong nangangailangan.

Tinitiyak naman ni Hontiveros na magpapatuloy pa rin ang paglunsad ng mga proyekto upang matulungan at mapunan ang mga pangangailangan ng mga tao. Determinado siyang magsagawa ng iba’t-ibang paraan at aksyon upang maipaabot ang kanyang suporta sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *