Makikita sa mga Twitter interaction ni Darren Espanto at Cassy Legaspi ang pang-aasaran patungkol sa “cup noodles.”

Marami sa mga fans ngayon ang kinikilig dahil sa batuhan ng asaran nina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa Twitter.

Ilang araw bago ang “Araw ng mga Puso” ay nagpa-poll si Darren kung bibigyan ba ng isang tao ng cup noodles ang kanyang mahal. Sa naging poll ay rumeply si Cassy na, “I would, in a heartbeat 🍜” na agad namang ni-replyan ni Darren ng, “NO. YOU JUST SAID YOU WOULDN’T 🙄”

Ilang oras matapos ay nag-tweet si Cassy ng, “good evening except for the guy who still thinks I wouldn t make cup noodles for the person I love,” at ni-replyan naman ni Darren ng, “”For real, I feel sad for the guy.”

Sa araw ng Valentine’s Day din ay pinost ni Cassy ang pinadalang pizza, flowers, at CUP NOODLES ni Darren Espanto.

May namumuo kayang pag-ibig sa pagitan ng dalawa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.