Makakasama sana ang aktor at gagampanan ang isang role sa palabas kung hindi lang nagkaroon ng travel restrictions dahil sa pandemya.

Kasama sana sa cast ang aktor na si Carlo Aquino sa trending Korean thriller series na “Squid Game”.

Inamin ni Aquino sa kanyang Instagram stories kasama ang handwritten note mula sa director ng nasabing series na si Hwang Dong-Hyuk ang katibayan na kasama siya sa cast na kinuha. Sa nasabing sulat, nagpasalamat si Hwang sa effort ng aktor at umaasa na makatrabaho si Aquino sa hinaharap.

“A handwritten note from a brilliant director. Wooop!! Couldn’t be more excited to work with you guys once this pandemic is over,” saad ni Aquino sa caption nito.

Ipinahayag din ni Beatrice Candaza, kapatid ng partner ni Aquino na si Trina, na dapat ay gagampanan nito ang isang role sa palabas ngunit dahil sa pandemya, nagkaroon ng travel restrictions at hindi nakapunta ang aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.