Maibabalik na sa kanya-kanyang magulang ang mga sanggol na naipagpalit ng isang ospital sa Rizal
Ang dalawang sanggol na naipagpalit pagkapanganak sa isang ospital sa Rizal ay maibabalik na sa kani-kanilang mga magulang. Ito umano ang unang naitalang kaso ng ‘baby switching’ sa Pilipinas, ayon na rin sa Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) idinaos ang ikalawang DNA test na ipinagpalit na ang mga sanggol upang ma-test sa mga ina at naipakitang ang probability ng maternity ay nasa 99.99998%.
Ipinatunay lang nito na ang naunang mga sanggol na naiuwi ng couple na si Aphril at Marvin Sifiata, at sila Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno ay nag-uwi nga ng maling mga sanggol matapos ng kapanganakan.
Ani ni Aphril, “I’m happy. My intuition was right.”
Idinagdag naman ng partner niyang si Marvin na, “I’m happy because we will finally be reunited with our baby.”
Ang unang DNA test ay nagpakitang ang inuwing sanggol ni Aphril at Margareth ay hindi kanila.
Ang ikalawang test ay nagsubok kay Aphril sa nauwing sanggol ni Margareth at vice versa at dito na natukoy na inuwi nila ang anak ng isa’t isa.
Ang H Vill Hospital at ang mga nasangkot na nurses ay nanghingi na ng patawad at nag-alay na i-refund ang bill.
Habang tinanggap ng mga magulang ang patawad, plano pa rin nilang magsampa ng kaso at kung sino man ang may responsibilidad sa naganap na baby-switching incident.
Wala umanong pahayag pa galing sa Ospital ayon sa KMJS.