Mahalaga raw ang ECQ para maiwasan ang surge ng mga kaso.

“If we do not do the ECQ, we might see the cases going 30,000 per day. So importante’ yung ECQ to keep it at the lower limit,” ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa mga striktong lockdown.

Ang mga high-risk areas gaya ng Metro Manila ay isinailalim sa mga mahihigpit na quarantine measures upang kahit paano’y mapigilan ang pagkakaapekto ulit ng pandemya sa mas maraming tao.

Ang nabanggit ni Nograles na lower limit ay aabot sa 18,000 per day, at na malaking bahagi ng bilang nito’y hindi na nangangailangang dalhin sa ospital.

Idinagdag naman niya na, “While nag-ECQ tayo, kailangan natin pataasin ang vaccination rollout to protect our population.”

Ang pagkakabakuna ay matatandaang panangga ninuman lalo na laban sa mas infectious na Delta variant. Naiiwasan ng isang jab ang pagiging severe or critical ng transmission sa nabakunahan na.

Ipinuna rin nito na pinili pa rin ng gobyernong mag-implementa ng lockdown kahit na magdurusa ang ekonomiya dahil, “Ang thinking kasi natin, ang buhay hindi mo na mababawi, ang ekonomiya mababawi mo pa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *