“Mahal na mahal kita Mamay, hindi po ako handa.”

Taimtim na nagluluksa ngayon ang pamilya ni Dimples Romana matapos pumanaw ang paternal grandmother niya sa edad na 89.

Naipaam ito sa publiko dahil sa post ng aktres sa Instagram ng litrato kasama ang kanyang, ‘Mamay.’

Nilalaman ng caption ay malungkot na mensahe ng aktres na nagsasabing, “There goes my [broken heart emoji]. Mahal na mahal kita Mamay. Hindi po ako handa.”

Dinagdagan niya pa ito ng, “Pakiyakap na lang si Pebbles at Papa diyan ha. Nakapako sa alaala ko ang ngiti mong ito.”

Labis dawng naaapektuhan si Dimples sa kawalan ng kanyang Lola dahil siya’y aminadong ‘Lola’s girl.’

Kalaunan nagpasalamat ang aktres sa lahat ng mga nagbigay ng panalangin at pagmamahal sa kanya at sa pamilya nila buntod ng nangyari lamang na kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.