Magtuturn over na ng 1,168 housing units ang Task Force Yolanda at National Housing Authority

Ikinagagalak na pinamunuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ika-22 na virtual turnover ng housing units na nasa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project.

Ang dalawang lokasyon para sa turnover na ito ay ang Pontevedra Ville Site 1, na mayroong natanggap na 718 units, at ang Pontevedra Ville Site 2, na may natanggap namang 450 units.

Ani ni Nograles, “Our virtual turnover is significant because we are celebrating Public Administration Week as provided by Proclamation No. 82. We give due recognition to the selfless and tireless efforts of our public servants both at the local and national levels.”

Dagdag dito ay ang pangako ni Nograles na ang lahat ng housing commitments nila ay tatapusin bago matapos ang termino ni President Duterte sa darating na 2022.

Sa kasalukuyan, mayroon nang aabot sa 20,000 libreng housing units ang naibahagi sa mga naapektuhan ng super typhoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *