Magkasama na ang Task Force Zero Hunger, DAR, at National Nutrition Council upang masigurong lahat ay nakukuha ang nutritional needs nila!

Sa pinakahuling speech galing kay Cabinet Secretary Karlo Nograles naibida niya ang mga success na naani ng Task Force Zero Hunger na pinangungunahan niya rin.

Sa Central Luzon umano’y priority ang pag-address sa malnutrition problem ng rehiyon at bahagi na ng isang comprehensive ‘whole of government approach’ na mapagtitibay ng National Food Policy.

Aniya, “We launched the Enhanced Partnership against Hunger and Poverty (EPAHP) program to solve hunger and malnutrition, ensure food security, and to reduce poverty incidence in both cities and rural areas.”

Sa pamamagitan umano ng EPAHP, na-link nila ang mga farmers sa institutional buyer ng mga LGUs na magagamit na produkto sa mga feeding programs sana.

Sa ngayon daw ay mayroong agreement sa pagitan ng Task Foce Zero Hunger, Department of Agriculture, at National Nutritional Council na sama-sama nang mag-collaborate upang matugunan ang nutritional needs ng mga buntis at mga kabataan.

Iginiit niya na maganda umano itong marami na ang nagtutulungan upang malabanan ng tuluyan ang kagutuman sa bansa, ani pa niya, “Kailangan natin magtulungan. We can most effectively fight hunger if we work together.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *