Maghanda umano para sa pinakamalalang mangyayari at dapat agaran ang aksyon!

Mula pa umano noong Disyembre 2019 ay iniisip na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ang Pilipinas ay lubhang matatamaan ng kumakalat na COVID-19 sa China.

Pahayag pa niya, wala umanong basehan o guidebook para sa responde sa pandemya. Ani pa nito, “We learned what we could apply. The least we can do is to preempt the spread, since it couldn’t be stopped, and lessen the socioeconomic impact.”

Ginunita nito kung paano araw-araw siyang nagbabasa ng datos at updates sa infections, vaccinations, at contract tracing upang malaman kung anong aksyon ang dapat gawin at kung anong polisiya ang makakabuti para rito.

Noong magkaroon ng apruba galing DOH at WHO ang ilang antiviral na gamot, agarang nag-order si Moreno para sa kanyang mga residente.

Idinagdag niya na sa laban kontra COVID-19 ay, “You prepare for the worst.”

Matatandaang maraming quarantine facilities na ang itinatag nito upang mapaghandaan ang mga surges na paparating.

Ang Manila rin ang may natatanging COVID-19 field hospital, na ngayon ay fully operational na sa Rizal Park.

Patuloy din ang suporta nito sa mga hospital, mapasapubliko o pribado man, para sa frontline battle nito sa pandemya.

Kasabay nito’y isa ang Manila sa may pinaka-mabilis na vaccination process. Sa ngayon ay 95% na ng mga Manileño ang nagka-first dose na, habang 68% naman ang fully vaccinated na.

Maraming bahagi ang #BilisKilos ni Isko Moreno para sa Manila, at lahat ng ito’y natatamasa ng kanyang mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *