Mag-hire umano ang gobyerno ng 48,000 nurses upang mapalakas ang public health system!
Nananawagan ang Filipino Nurses United sa gobyerno na ipatigil na ang deployment ban sa mga nurses at ibang health workers at na mag-hire ng 48,000 nurses upang mapalakas ang public health system ng Pilipinas.
Sa isang ospisyal na pahayag nagsabi ang grupo ng, “The ban is ill-advised and unnecessary since government data show the country has enough number of nurses to sufficiently meet the country’s health needs even in this time of pandemic.”
Idinagdag nila na dapat nang i-lift ang ban kaagad at irespeto ang karapatan ng nurses at ibang health workers na maghanap ng mas mabuting work opportunities abroad.
Matatandaang nitong June 1 nagpalabas ng pahayag ang POEA Administrator Bernard Olalia na naabot na ang 5,000 cap sa pagpapa-deploy ng mga healthcare workers abroad.