Mabibigyan ng libreng Microsoft Office 365 account ang mga public school students sa Maynila.
Tuluyang ipinarating ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagkakaroon ng 290,000 na libreng Microsoft Office accounts para sa mga public school students ng Maynila. Pinangunahan niya, kasama si Vice Mayor Dr. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, ang pagpirma sa Memorandum of Agreement sa Microsoft Philippines.
Ang mga Microsoft Office accounts na ito ay maaaring magamit ng mga estudyante sa kanilang paggawa ng mga gawain sa kanilang pag-aaral. Ninanais ni Moreno na matulungan ang mga estudyante na padilihin ang kanilang pag-aaral at mapalawak ang kanilang kakayahan sa teknolohiya.
Bukod pa rito, ipinahayag ni Moreno na makakapagbigay din ito ng libreng oportunidad sa mga residente ng Maynila upang matutunan ang mga bago at in-demand jobs ngayon na matatagpuan sa mga skilling platoforms ng Microsoft tulsd ng Linkedln, Github, MS Grounded, at iba pa. Matutulungan nitong bawasan ang mga kaso ng unemployment sa lungsod.
Ang Microsoft ay pinupuntirya ring gamitin para sa pagpapalaganap ng plataporma ni Isko na “Go Manila”, kung saan papaunlarin ang mga data governance policies. Makapagbibigay ito ng access sa mga Government-specific resouces at expertise sa Artificial Intelligence at map horizons para sa mga paparating na digital na plano.
Layunin ni Moreno ay ang masuportahan ang edukasyon ng mga estudyante at mabigyan ng maayos na trabaho ang nga tao. Ninanais niyang solusyonan ang mga problema sa kakulangan sa trabaho at puksahin ang kahirapan sa bansa. Para sa kanya, mahalagang binibigyan ng suporta ang mga estudyante nang sa gayon ay mapagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Nakahanda siyang gumawa ng kahit anumang programa na makakatulong at makakabuti sa kalagayan ng mga tao.