Mabagal na pagbahagi ng tulong sa PUV drivers ng LTFRB, pinagtutuunan na ng pansin at sisipatin nang maigi!

Isinusulong ni Senator Grace Poe ang isang masiyasat na imbestigasyon para sa kabagalan ng distribusyon ng funding na nagkakahalagang PHP 5.5 Billion na nakalaan sana sa Service Contracting Program ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers.

Mabuting maalala na ang programang ito ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) ay nai-flag ng Commission on Audit (COA) para sa delay ng implementasyon ng nabanggit na programa.

Ipinapanawagan ngayon ni Poe sa resolusyong ito ang masiyasat na pag-iimbestiga at paghahanap ng accountability sa mga nasangkoy na public officials para sa kanilang ‘gross mismanagement of funds meant to be provided as aid.’

Pahayag pa ni Poe na, “Such lack of urgency in distributing aid in a time of widespread need and suffering is unconscionable and betrays a lack of compassion.”

Inalala niya rin ang maraming mga insidente ng jeepney drivers at bus conductors na makikitang namamalimos na lamang dahil ang operasyon nila sa transportasyon ay suspendido dahil sa health crisis.

Ang service contracting program ay magsasaayos sana ng direct subsidies sa kapalit ng operasyon ng mga PUV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *