Maaari nang mabukas sa susunod na buwan ang digital documentation system portal para sa publiko!

Dati nang nagpahayag si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang DICT sa kasalukuyan ay mabilisang umaaksyon upang magkaroon na ng Digital Documentation System ang Pilipinas para sa pagbabahagi ng COVID-19 Vaccination certificates, at kailan lang ay naanunsyo ng parehong ahensya na baka sakaling sa Oktubre ay mabuksan na nila ito sa publiko!

Ibinahagi ni DICT Undersecretary Emmanuel ‘Manny’ Caintic na ang portal ay nauna nang na-soft launch sa NCR at Baguio City dahil umano’y, “Binibigyan namin ng sapat na panahon ang LGUs para makita namin respnse nila at kung kumusta ang pag-unlock nila sa mga requests for data rectification.”

Pagka-launch umano nito sa publiko’y uunahin ang mga vaccinated na, Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa mga lalabas din ng bansa para sa enrolment sa system.

Pahayag pa ni Caintic, “Inaasahan namin sa mga susunod na mga linggo ay bubuksan na po ito sa lahat ng mga Pilipino sa buong bansa at maaari na rin po itong gamitin sa ibang mga bagay.”

Ang vaccination certificate na maiissue galing dito’y maglalaman sa personal information at vaccination data ng isang tao, at maproprotektahan ng isang verification system gamit ang QR bilang dagdag sa ibang security measures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *