Locsin pinagsabihan si Roque na ‘wag mangialam sa Foreign Affairs
Kinall-out ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Presidential Spokesman Harry Roque ukol sa kontrobersyal na mga pahayag nito sa iilang foreign affairs sa mundo.
Bunsod ng mga opinyon ni Roque tungkol sa bagong batas ng China na na nagpepermiso ditong mambaril ng foreign vessels sa mga contested waters, at sa nangyaring coup sa Myanmar, nagkaroon ng matapang na salaysay si Locsin sa kanya.
Ani ni Locsin, si Roque ay hindi ‘competent’ mag-komento ukol sa bagong batas ng China. Mayroon lang ipinasa si Locsin na diplomatic protest sa China sa bagong batas nito.
Ayon sa tweet ni Locsin, “HARRY, just lay off foreign affairs.
I AM NOT LISTENING TO HARRY ROQUE. LOVE THE GUY BUT HE’S NOT COMPETENT IN THIS FIELD. We do not go back to the Hague. WE MIGHT LOSE WHAT WE WON. HARRY, LAY OFF.”
Noong Lunes ay ipinaalala niya na siya ay kwalipikadong pag-usapan ang international law matapos itong ituro ng 15 taon. Nag-alok nga rin ito sa oposisyon na si Senador Risa na mag-aral sa ilalim niya upang mas maintindihan ang isyu.
Nagpahayag ang MalacaƱang na nagtitiwala silang ang Code of Conduct na pinagaayos ng ASEAN at China ay mananatili sa kabila ng bagong batas na ito.
Ani naman ng Retired Associate Justice Antonio Carpio na ang code of conduct na ito ay ‘dead on arrival’ sa pagsasabatas ng Coast Guard Law ng China.
Pinabulaanan din ni Locsin ang pahayag ni Roque na ang Philippine Embassy sa Myanmar ay handa nang ibalik ang mga Pinoy pabalik sa bansa sa kasagsagan ng coup.
Ayon kay Locsin, “Presidential spokesperson Harry Roque does not express foreign policy. That was his personal opinion. And the last thing we will do is assemble our armed forces to evacuate our nationals.”
Ang milita ng Myanmar ay nagsagawa ng coup noong Lunes, matapos ibilanggo ang civilian leader na si Aung San Suu Kyi at iba pang mga pigura sa gobyerno nila. Nagdeklara ang bansa ng National State of Emergency sa isang taon. Ang tatayong pinuno ng bansa ay ang commander-in-chief ng armed forces.