Libu-libong marijuana ang binunot sa Sitio Pagbaluyan matapos matunton na ito’y pinagtaniman ng illegal na pananim!

Nahuli ng mga miyembro ng Philippine National at Philippine Drug Enforcement Agency ng Davao Region ang mga lupain sa Tarragona, Davao Oriental na pinagtataniman umano ng libo-libong marijuana.

Binunot ang mga ito ng mga operatiba sa Sitio Pagbaluyan ng Brgy. Tubaon at kinumpiska. Ang mga suspek na nagtanim ng mga ito na kinikilala bilang sina Jorel Malintad at Alejandro Magandam.

Malapit sa pinagbunutan lang nila ay ang nasa kabilang sitio na ginawang marijuana plantation na itinanim ni Noel Malintad.

Ang mga nakumpiskang marijuana sa parehong lugar ay natagpuang aabot sa PHP 4 million.

Sa kasalukuyan ay tinutugis ang tatlong suspek na nakatakas, at kapag nahuli na’y kakaharap ang mga ito sa kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *