Libreng healthcare ang handog sa lahat para mapanatili ang #HealthyBuhay at #HealthyHanapbuhay ng mga Pilipino.

Maligayang ibinalita ni Risa Hontiveros na ang programa niyang Healthy Pinas Mobile Clinic ay nakarating at namahagi ng libreng medikal na tulong sa mga taga-Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ilan sa mga medikal na tulong na hatid ng mobile clinic sa mga residente ay ang libreng free X-ray, ultrasound, ECG, lab exams, at marami pang iba.

Pinasalamatan din nito ang mga volunteers, mga partner sa LGU ng Lapu-Lapu City, at ang alkalde nitong si Junard Chan sa pagtulong at pamamahala sa pagbibigay ng serbisyo sa lugar.

Ang programang ito ni Hontiveros ay patuloy pa ring nililibot ang bansa at namamahagi ng free healthcare services na naglalayon na maensure ang #HealthyBuhay at #HealthyHanapbuhay ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.