Libreng check-up, blood chemistry, X-ray, laboratory, ECG, at Ultrasound para sa mga taga-Caloocan!
Nasa Caloocan ang Mobile Health Clinic ni Senator Risa Hontiveros!
Ikinatutuwa raw niya ito dahil ito ang kinalakhang lugar ng pumanaw na niyang asawa na si Frank.
Ang Healthy Pinas Mobile CLinic ay naglalayong makatulong sa mga nanay, tatay, baby, lolo, at lola sa pamamagitan ng pagbabahagi ng libreng medical services gaya ng, check-up, Blood Chemistry, X-Ray, laboratory, ECG, at Ultrasound.
Para sa mismong event na ito’y sumipot si Hontiveros sa site kung saan nakilala niya ang mga nabigyan ng tulong, is ana rito ang isang mag-ina na nakakuha ng libreng blood test at ultrasound salamat sa programa.
Ang site ay matatagpuan sa Sta. Quiteria ng Caloocan City, at naging bahagi ng weeklong celebration ni Congressman Egay Erice na nagdidiwang sa 61st birthday niya.
Kasama ng Mobile Clinic ang Bridges of Benevolent Initiative Foundation Inc. at ang mga community leaders ng Serve Caloocan movement na nag-volunteer makipag-kaisa sa programa.