Lalong nasira ang International Reputation ng China sa dumaraming kumakampi sa Pilipinas
Ang European Union ang pinakahuling notable body na naging outspoken sa suporta nito sa Pilipinas sa isyung kinakaharap sa patuloy na pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Strikto ang tono ng statement na binitawan ng EU noong April 24 laban sa China.
“Tensions in the South China Sea, including the recent presence of large Chinese vessels at Whitsun Reef, endanger peace and stability in the region. The European Union advocates secure, free, and open maritime supply routes in full compliance with international law and strongly opposes unilateral actions.”
Nanawagan din ang union sa mga bans ana patuloy na i-uphold ang UN Convention on the Law od the Sea (UNCLOS), kung saan nanalo ang Pilipinas sa arbitral tribunal ruling.
Dati nang huminto ang China noong mayroong drastic na aksyong ginagawa ang mga bansa laban dito lalo na’t kung ang nasa risk ay ang international prestige nila. Kung direktang lalabanan nito ang EU at UN ay maaaring mawala ang prestige at impluwensya ng bansa.