“Kung walang ECQ, aabot na ng 4,500 cases/day ang madadagdag sa tally!”

Pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, “The country has overcome spikes in COVID-19 cases before, and it will do so again by listening to health experts and adapting accordingly.”

Ito ay binitawan ni Nograles dahil na rin sa pagreinstitute ng Enhanced Community Quarantine bilang panangga sa inaasahang increase ng COVID cases dahil sa pagkakaroon na ng community transmission ng mas virulent na Delta variant.

Aniya, “Given what we know about the Delta variant, the increases in the cases the past few days and the increase in the positivity rate were not unexpected and we understood that if decisive steps were not taken there would even be more cases.”

Hinahangad ngayon ni Nograles na kilalanin ng publiko na kailangan itong ECQ dahil napatunayan na ring ang mga ito’y epektibo sa pagiiwas ng pag-balloon ng COVID-19 cases.

Sa ngayon, inulit muli ni Nograles ang dati na niyang panawagan sa publiko na, “Bahay muna, buhay muna. This is even more important now given how this Delta variant works.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *