Kung tingin ng oposisyon na wala siyang tsansa manalo sa pagka-Presidente, bakit ginagawang isyu ang ambisyong politikal niya sa 2022?

Bakit nagsasayang ng oras ang mga laban sa kanya sa pag-iisip sa gagawin niya para sa parating na Halalan 2022 kung wala silang tiwala na siya’y mananalo bilang Presidente?

Ito ang natatatwang reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa mga spekulasyong nagkalat online matapos ang pagkokonsidera ng Liberal Party na siya’y ipambato bilang Presidente. Maaari niyang makaharap si Sara Duterte na front-runner ng Presidency ayon sa Pulse Asia Survey.

Noong nakaraang linggo nagsimula ang mga supporter ni Robredo ng isang kampanyang nag tutulak ditong tumakbo pagka-Presidente. Pinangalanan itong ‘I am ready for Leni’ at patunay ng kanilang ‘deepest desire to see the Philippines back on its way to being one of the most economical, progressive, politically transparent, humane and respected countries in Asia.’

Ani rin ng petisyon na naniniwala silang si Robredo ang makakatulong sa bansang makuha ang naunang nabanggit.

Nagpasalamat si Robredo sa mga sumusuporta sa kanya ngunit nagiwas sa anumang kasagutan sa kanyang mga plano sa darating na 2022.

Ayon kay Robredo, “I have to admit that, in the deluge of work we face every day … for me, at least in our office, we’re just doing our jobs.

I don’t think it’s right that I should prioritize politics in a time of crisis.

When the elections are near, then we will talk. But for now, we don’t want to be distracted from what needs to be done. There is a right time for that.”

Mayroong mga proyektong inilabas si Robredo matapos ang kahirapang nagsibol dulot ng COVID-19 Pandemic. Nagdulot ito ng kanyang stable na approval rating na 57%, na malayo lamang sa 91% ni Pangulong Duterte, ayon ang bilang sa Pulse Asia Survey.

Ngunit hindi nagpapaapekto si Robredo rito at iginiit na ang trabahong isinagawa sa nakaraang mga buwan ay nagpaalala lamang sa kanyang hindi ito ang oras na unahin ang pakikipag-politiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *