Kung tatakbo si Romualdez, maluwat raw na ipauubaya ni Duterte sa kanya ang posisyon.
Ipinaalam na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na susuportahan niya si House Majority Leader at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez kung magdedesisyon itong tumakbo sa pagka-bise presidente sa paparating na 2022 Halalan.
Binitawan ng Pangulo ang pahayag na ito sa kabila ng mga panawagang siya’y tumakbo rin sa pagka-bise presidente.
Matagal na rawng pinagdesisyonan ni Duterte na si Romualdez ang VP niya. Ani pa nito, “If Martin Romualdez runs for Vice President, I will support you and hold on that commitment.
‘Pag tumakbo siya I will support him. ‘Yun ang pinangako ko. So walang problema, I said. I will honor my word.”
Bakas ang tiwala at pagkakaibigan ng Pangulo kay Romualdez na sa kabila ng bid nito na tumakbo para sa pagka-bise presidente, willing itong mag-step down kung saka-sakaling tatakbo rin si Romualdez.