Kung tatakbo man, hindi raw siya manghihingi ng financial help kahit kanino

Nangako si Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi manghihingi ng financial help kung magdedesisyon nga siyang tumakbo para sa isang posisyon sa susunod na eleksyon.
Idinagdag naman niyang wala siyang pinayagang indibiduwal o grupo na mag-solicit ng campaign funds para sa kanya.
Paulit-ulit nang nagpahayag si Duterte-Carpio na hindi niya hinahabol ang pagka-Presidente sa kabila ng mga nang-engganyo sa kanya para rito.
Ani pa niya, “For now, no.”
Hindi rin suportado ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pangangampanya ng anak pagka-Presidente na nagsabing ang posisyong ito ay hindi para sa babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published.