Kung pinatalsik ang PhilHealth execs noon dahil sa maling paggamit ng pondo, dapat si Duque rin!

Ipinuna ngayon ni Senator Grace Poe ang kasalukuyang sitwasyon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng isyu ng PHP 11.89 Billion unaccounted allotment for hazard pay and special risk allowance.

Inalala ni Poe na noong nakaraang taon lamang ay ipinagutos ni Ombudsman Samuel Martires ang preventive suspension ng mga PhilHealth executives at ilang DOH officials para sa mga isyu nila na may kinalaman sa funding na galing sa kaban ng bayan sa kasagsagan ng pandemya.

Matatandaang noong nakuwestiyon ang magiging morale ng Health Department sa ginawang probe ay nanindigan ang Ombudsman sa kanilang desisyon at nagbato pa ng mga katanungang, “Are we not, as a people, also suffering from low morale? The fact that we can’t even go out of our homes – are we happy with what is happening?

Are the medical frontliners happy with what is happening to them? Somebody must be held accountable.”

Sa parehong punto gaya ng nangyari sa PhilHealth executives nilaglag ni Poe ang katanungan na, “Shouldn’t Sec. Duque be suspended by now if you’re going to apply the same judgment as what happened to the PhilHealth executives?”

Pagtatapos pa ni Poe, “Ito po ay hindi lamang kapabayaan, ito po ay kriminal.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *