“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, di’ba?”

Matapang si Ivana Alawi sa harap ng mga posibleng kaso na binabantang mailaban kontra sa kanya matapos ang nag-viral na vlog nitong makikitang nag-prank ito sa ilang street vendors.
Natanong si Ivana tungkol sa reaksyon nito sa mga nagbabanta sa kanyang kakasuhan ito para sa video kung saan nagpanggap siyang isang homeless na namamalimos ng pagkain at pera.
“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba?
Para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people.”
Uulitin umano ito ni Ivana dahil nakakatulong naman siya, at walang tinatapakan o sinaktang tao.
Idinagdag ng aktres, “Hayaan na lang natin. Na-realize ko, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.