“Kung ano na ang nasimulan, itutuloy nalang. Gagawin naman natin ay build more houses, schools, hospitals, and build more jobs. Tao muna ang uunahin natin.”
Ipinabatid ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi niya ititigil ang sinimulan ng dating administrasyon na ‘Build, Build, Build’ program upang hindi masayang ang perang nanggagaling sa buwis ng mga tao.
Pahayag ni Moreno, “Ayoko kasi yoong nagpapalit ang admin eh gigibain ang dating ginawa ng dating admin, nasasayang ang buwis ng tao. Kung ano yung nasimulan ng pangulo, itutuloy lang natin.”
Ipinarating ni Moreno na ang kanyang bersyon ng ‘Build, Build, Build’ program ay nakapokus sa pagpapatayo at pagsasagawa ng mga pabahay, mga paaralan, mga ospital, at mga trabaho para sa mga tao sa bansa. Bukod pa rito, binbalak niya rin na magpatayo ng mga storage facilities at mga gilingan para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda.
Ibinahagi ni Moreno ang kayang hangarin na paangatin at paunlarin ang pamumuhay ng mga tao. Nais niyang iparamdam sa mga tao na mayroon silang gobyernong maaasahan at masasandalan. Pakay niyang magpatupad ng mga proyekto at programa na makakapagpabago sa buhay ng mga tao.
Ang prioridad ni Moreno ay ang kapakinabangan at kapakanan ng mga tao. Sinisigurado niyang hindi siya titigil na magsagawa ng mga #BilisKilos na aksyon nang sa gayon ay mabigyan ng solusyon ang mga problema ng mga tao at mapunan ang kanilang pangangailangan.