Kuhang-kuha sa video paano niya ito sinabunutan saka barilin, pulis? Tinatanggi ang krimen!

Isang lola (52) na kinikilalang si Lilybeth Valdez, patay nang pagbabarilin ng lasing na pulis!

Sa ngayon, nahuli na ng pulis ang suspek na tumatangging binaril niya nga ang biktima.

Ang pulis na pumatay ay kinikilalang si Police Master Sergeant Hensie Zinampan na bahagi ng grupong Police Security and Protection ng Camp Crame.

Ang anak ng biktima’y nagpahayag na matagal na ngang may alitan ang kanyang ina at ang nabanggit na pulis. Ilang beses na rin nitong pinagbantaan ang buhay ng ina sa mga sagutan nito.

Nakuhanan ng video ang buong pangyayari, mula sa pagkakasabunot ng suspek na si Zinampan hanggang sa pagkakabaril nga nito sa biktima.

Kung gustong makita ang nasabing video: https://twitter.com/JervisManahan/status/1399437846600065025?s=19

Leave a Reply

Your email address will not be published.