Kuha sa isang CCTV video ang lalaking bigla na lamang pinagsisisipa ang 65-year-old na babae

Nitong Lunes nakuhanan ang isa na namang hate crime laban sa Asian people sa Midtown Manhattan, New York City, USA.
Sa video na pinost ng New York Police online, makikitang naglalakad lamang ang 65-year-old Filipino-American nang bigla itong sinipa sa tiyan ng nakasalubong na lalaki na nagpatumba rito.
Hinahanap na ng polisya ang lalaking umatake sa babae.
Ito ang itinatayang pinakahuling insidente ng anti-Asian violence sa Estados Unidos.
Ani ng NYPD, naglalakad lamang ang biktima papuntang simbahan pagka-umaga noon nang bigla itong inatake ng suspect na nagsabi pang, “F*** you, you don’t belong here.”
Habang ang security guard ng building katapat ng pinangyarihan ng krimen ay nagsara pa ng pinto rito.
Itinala ng mga witness ng insidente na isang lalaki ang humabol sa suspect upang komprontahin ngunit iwinasiwas umano nito ang kutsilyong dala.
Mayroong upsurge ng anti-Asian violence sa New York City at ibang syudad ng bansa nang nagsimula ang coronavirus pandemic. Ani ng New York Governor na si Andrew Cuomo na ang mga krimeng ito ay ‘epidemic’ na at dapat nang matigil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *